FRANCHESKA’S POV Sa halip na three months na pananatili dito sa Pilipinas ay napagdesisyunan ko gawin na lang one month. Hindi na nagpapigil sa parents ko kahit ano’ng pilit nila na mag-extend pa ako. They could visit me in America anytime they want anyway. Pakiramdam ko kasi kay liit nang Pilipinas at hindi mapipigilan ang pagkrus nang landas namin ni Harvey. At sa tuwing nagkakaharap kami ay lagi ako talo. Lagi akong nagagapi nang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko kaya ko na wala siya, pero heto ako inulit ko na naman ang sakit nang nakaraan. Pinagbigyan ko na si Mommy sa hiling na makapag-bonding kami muna sa isang beach resort somewhere in Cebu kaya kasalukuyan kaming papunta roon. Kinailangan namin magising nang alas dos ng madaling araw para hindi ma-late pero delayed fligh

