FRANCHESKA’S POV “Sorry, Cheska. Kung alam ko lang na ganoon pala ang Ralph na iyon, sana hindi ko na pina-blind date sa iyo. Mas mabuti na rin iyon dahil nakakulong pa rin siya. Wala yatang pang pyansa.” Kanina pa ang abot-abot na paghingi nang tawad sa akin ni Miggy. Kausap ko siya sa kabilang linya. Tinawagan ko siya para ikuwento nga ang nangyari. Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. “Wait - what?!” kunot-noong tanong ko. It’s been two days now since that incidence and I made sure that my lawyer won’t file a case against Ralph. Malinaw ang instruction ko. “What to you mean by what? Nakakulong pa rin si Ralph?” “Yes. Hindi mo alam? Tuluyan na siyang sinampahan nang kaso ng asawa mo.” Napamulagat ako sa narinig ko. Ano na naman ba itong pakulo nang ex-husband ko at nangialam

