"Kasi haharang-harang ka, eh," sermon pa rin sa akin ni Mia. "Ako pa ang may kasalanan?" nakasimangot kong sagot habang hawak ko pa rin ang ice bag at nakalapat sa aking noo. Si Ghian naman ay nakapamaywang lang sa aking harapan at pinapanood ang aking ginagawa. "Malamang! Alangan namang ako, eh ikaw 'yong lumabas? Eh, kung hindi ka muna lumabas at hinintay mo muna akong kumatok, eh 'di hindi ka sana nasuntok! Kasalanan mo 'yan. Tanghali ka na naman bumangon. Ano? Pinuyat ka na naman ba ng bampira mo?! Sabi ko sa iyong papuntahin mo doon sa k'warto ko, eh 'di sana ay hindi ka napuyat at hindi ka tanghali nagising at hindi ka din sana nasuntok!" mahabang sermon na naman niya habang naglalakad na patungong kitchen at humarap sa gas stove. "Hindi nga siya pumunta, eh!" nakabusangot ko pa r