Kinagabihan ay hindi ako mapakali sa kaiisip kung paano ko ba malalaman kung si Ghian ba at si Shadow ay iisa? Pabalik-balik na ako ng lakad dito sa loob ng aking silid at di ako mapakali sa kakatingin sa orasan. Maghahating-gabi na at alam kong kasarapan na ng tulog ni Mia sa mga oras na ito at maya-maya lang din ay alam kong papasok na naman dito si Shadow. Minabuti ko ng humiga at nagbalot ng kumot sa aking katawan. Nakasuot lang ako ng manipis na white nighties pero may panty pa naman ako sa loob. Ilang sandali nga lang ay naramdaman ko na ang pamumungay ng aking mga mata kahit pilit ko pa ring ginigising ang aking diwa. Pero 'di nagtagal ay 'di ko na talaga kayang pang labanan ang antok at nakatulog pa rin ako. *** SHADOW Man's POV I was thinking if I'm going to go there or not.