"Umuwi ka na nga! Kanina ka pa narito ah. Wala ka bang trabaho?" pagtataboy ko dito kay Ghian na ayaw umuwi sa unit niya. "Samahan mo 'ko baka maligaw ako eh," sabi niya habang kinukutkot niya ng kaniyang kuko 'yong ilalim ng aking mga kuko sa paa. "Ang dumi ng kuko mo, linisan mo nga 'yan." "Hoy, walang dumi 'yan! Kapal ng mukha mo ah, umuwi ka na nga! Magluto ka ng ulam, nagugutom na ako," sabi ko sabay layo ng paa ko sa kaniya. Nakahiga na kasi ako dito sa sofa at siya naman ay nakaupo pa rin at ang paahan ko ay nasa gilid niya. Kinuha niya 'yong mga paa ko at ipinatong niya sa kaniyang lap at pinaglaruan ang mga daliri ko doon. Ilang beses binilang-bilang hanggang sa mapunta na sa aking mga kuko. Naka-open pa rin ang tv at nanonood pa rin kami ng Show time. Tanghali na at wala 'ata