Paano ba naman ako makakapasok nito?! Haaayst! "Hoy, Charisma, nahihilo na ako sa'yo, ah! Kanina ka pa 'di matali, ah! Nasilihan ba 'yang panty mo?! Pabalik-balik ka, para kang natataeng ewan! Maupo-upo ka nga! Baka mabasag na 'yang salamin sa kakaharap mo diyan! Buti sana kung ikaw ang bumibili, eh ako lang naman! Sa iyo lang ang pera pero ako pa rin ang bumili! Nakakapagod magbuhat no?! Tapos babasagin mo lang! Umupo ka nga!" Ayan na naman po si Lola Basyang! Putak ng putak! Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa harap ng salamin! Hindi talaga ako makakapasok nito eh! Puro kagat 'yong leeg ko! Bibigwasan ko na talaga 'yong lalaking 'yon, eh! Pwede namang sa singit ko na lang maglagay. Haayst! Kainis! Lahat na ng cream ko ay inilagay ko na pero hindi pa rin matabunan, eh. Pulang-pula kasi