Malayo-malayo ang aming bin'yahe sa himpapawid at nag-enjoy ako ng sobra sa panonood ng mga tanawin sa ibaba. Buong oras tuloy akong nakangiti! Nasa kalagitnaan kami ng karagatan at ilang sandali lang ay may natanaw na akong malaking isla sa gitna ng dagat at mukhang doon ang tungo namin. Naroon kaya ang mga magulang ko? At paano naman nalaman ni Ghian? Kilala ba niya ang pamilya ko? Napalingon ako sa kaniya at gumugulo pa rin sa utak ko kung sino ba talaga siya? Bakit halos abutin ng isang taon na nagtago siya sa dilim at hindi nagpakilala sa akin? Ano bang trip niya? Naalala ko rin iyong time na nagka-engkwentro kami sa boys' restroom sa Hospital. Magkasama sila ni Erhwin. Magkakilala sila ni Erhwin? At iyong pinag-uusapan nila na babaeng tumalon daw sa barko habang buhat-buhat si