Veronica's POV "OH my, si Chronos . . ." Nang marinig ang pangalan na sinambit ni Lea ay agad akong nagmulat ng mga mata. Nakita ko naglalakad palapit sa amin. Nakasuot siya ng black pants at usual nitong hoodie na kulay pula. Huminto ito sa tabi ko at yumuko. Ang isang tuhod nito ay idinantay niya sa lupa at humarap sa akin. Pilit kong inaninag ang mukha nito, pero hindi ko magawa. Ang galing talagang magtago ng aswang na ito! "Heto," halos pabulong nitong wika, ngunit naging sapat upang umabot sa pandinig ko. Inabot niya sa akin ang isang bottle ng mineral water at isang gamot. Tablet iyon pero hindi ko alam kung ano o para saan. "Inumin mo." Nang marinig ang sinabi niya ay umarko ang isa kong kilay. "Wow, Chronos, hindi ko alam na maalalahanin ka pala," nilingon ko si Rosa at nak