Veronica's POV ILANG beses kumurap-kurap si Chronos habang mariin ko itong pinagmamasdan. Naka-crossed ang dalawa kong braso sa tapat ng dibdib ko at halos pumutok na ang dugo ko sa ulo dahil sa sobrang galit. "Ano na!" mahina pero mariin kong singhal sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa kusina ng bahay ni Uncle Markus. Mariin itong napapikit bago lumunok. "Sandali lang," kalmado nitong sabi sa akin. Kanina ay nagpaalam na ang pamilya nitong uuwi na sila. Inalok ni Uncle Markus ang mga ito na dito na magpalipas ng gabi, pero tumanggi naman ang mga ito, lalo na ang mama ni Chronos na si Martina. Tumanggi rin sila sa alok ni Chronos na ihatid sila nito dahil ayon sa babae, susunduin sila ng katulong nito na kasalukuyang nasa bahay ni Tata San sa loob ng gubat. Hindi na ito pinigilan ni C