Veronica's POV KASALUKUYAN kaming nasa loob ng klase. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Paanong hindi ko napansin na nagsipasukan na pala ang mga estudiyante sa loob ng mga silid? Isa pa, sigurado ako sa nakita ko, may dumaan na lalaki sa tabi namin. Naka-hoodie ito na kulay maroon. "Miss Sebastian?" Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Ma'am Chavez. Nag-angat ako ng mukha at nakita ang matatalim na titig ng aming guro. "Are you listening?" magkasalubong ang kilay niyang tanong. Wala sa sariling tumango ako. "Opo, Ma'am. Sorry po," hingi ko ng tawad rito bago luminga sa paligid. Nakatingin sa akin ang lahat habang sina Lea ay mababakasan ng pagkabahala sa mukha. Nag-iwas na lang ako ng tingin at muling itinuon ang atensiyon sa guro na