Veronica's POV MULI kong tinitigan ang sarili ko sa parihabang salamin na nasa aking harap. Bahagyang nakakulot ang ibabang parte ng aking buhok, nakatirintas ang magkabilang gilid nito at nakatali sa likod. Sabi ni Zai, ang pangalan ng baklang nag-ayos sa amin, umiwas daw muna ako sa kulay ng Valentine's day, ang kulay pula at rosas. Peach monochrome ang makeup style na ginamit nito dahil gusto niyang bumagay sa kulay ng suot ko ang makeup na i-a-apply sa akin. Pati sa mga labi ko'y matte peachy nude color din ang inilagay niya. Hinayaan ko na ito dahil siya naman ang eksperto pagdating sa pagmi-makeup. Isa pa, wala na ako sa tamang katinuan upang isipin pa ang magiging hitsura ko matapos ng mga nalaman kanina. Kung hindi ko lang kailangan gawin ito para kay Anzo, siguro mas pinili ko