Veronica's POV ISANG nakapangingilabot na alulong mula sa aso galing malayo ang aking narinig. Naging hudyat iyon sa akin upang tumakbo. Mabilis kong kinuha ang asin sa aking bulsa at isinaboy sa aswang. Mabilis akong tumakbo pabalik sa harap ng bahay. Ni hindi ko na tiningnan kung ano ang nangyari sa aswang. Isang malakas na ungol ang narinig ko. Tila galit na galit ang aswang dahil sa aking ginawa. Hindi ko na ito pinansin. Lumuluha akong tumakbo pabalik sa gate. Ngunit tila pinagsakloban ako ng langit at lupa nang makita itong nakasara. Nang marating ang tarangkahan, sinubukan ko itong buksan, ngunit nabigo ako. Ayaw mabuksan ng gate! Sinubukan ko ito muling hilahin, pero ganoon pa rin. Narinig ko ang halimaw, ang paghinga nito. Waring tumatakbo palapit sa akin. Nang lumingon ako, m