Veronica's POV HALOS hindi ko malunok ang pagkain sa loob ng aking bibig habang nakatitig sa akin sina Ate Michelle, Lea at Beatrice. Nakakatunaw pa ang titig ng mga ito na animo'y isa akong kriminal na nakatakas sa preso. "Umamin ka nga, Veronica Sebastian, may nangyari sa inyo ni Chronos, `no!" "Ay, Diyos ko, Lea! Mangilabot ka nga sa pinagsasabi mo!" Hindi ko lubos maisip na masasabi iyon ni Lea. Alam niya kung ano si Chronos! Ano iyon? Papatol talaga ako sa aswang, ganoon? "Pero bakit kayo magkasama? Doon ka ba natulog sa bahay niya?" tanong naman ni Beatrice. Ito ang nabungaran namin kanina ni Chronos sa labas nang ihatid ako nito kanina. "Nica, pag-aaral muna bago jerjeran, `di ba? `Yon ang usapan natin dito," paalala naman ni Ate Michelle habang nakatitig ito sa akin nang mari