Veronica's POV NAWALA ang kunot sa noo ni Lea, ngunit unti-unti naman umawang ang kaniyang bibig. "Are you serious?" Tumango ako ng ilang beses. "Oo, sigurado ako!" "Wait, wait! Paano mo naman nalaman, aber?" Itinaas nito ang dalawang kamay sa harap ko. Napalunok ako bago umiling. "Kailangan kong makausap si Chronos! Dito ka na muna. Babalik ako!" Agad na akong tumalikod at patakbong bumalik sa kung saan namin sila iniwan. Narinig ko pa ang mga pagtawag sa akin ni Lea, pero hindi ko na ito nilingon. Napatingin pa ako sa paligid nang makitang may ilang pulis na naglalakad at nagmamasid sa paligid. At least, kung sakaling may mangyari, makakaresponde agad ang mga ito. Kanina ay bigla kong naalala kung saan ko nakita ang babaeng nabunggo ko. Sa bahay ni Chronos, iyong nasa litrato na m