Veronica's POV MATAGAL kaming nagkatitigan bago ako nag-iwas ng tingin. Nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilin ang sarili na mag-react. Napakatalandi naman kasi nitong aswang na ito, e! To think na fifty years old na ito! Pedophile! Nang mapagtanto ko na hawak pa rin nito ang aking kamay ay mabilis ko iyong binawi. Umubo ako bago umayos ng upo. "K-Kung gano'n, h-hindi ikaw ang pumapatay rito?" muli kong tanong sa kaniya. Nag-iba ang hitsura nito. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at naging mailap ang mga mata. "Hindi," tipid nitong sagot. Mukhang isa si Chronos sa mga aswang na vegetarian, o iyong mga aswang na hindi kumakain ng tao. Pero para maka-survive, kailangan gabi-gabi silang iinom ng dugo at kakain ng laman ng mga hayop. Kung sa mga tao pa, puro gulay lang ang