Veronica's POV MALAKAS ang daing ng lalaki dahil sa lakas ng pagkakabagsak nito sa semento, pero hindi iyon nagtagal. Hirap man, pinilit nitong tumayo at muling humarap sa amin. "Ikaw! Ikaw ang aswang! Ikaw ang aswang na pumatay sa kapatid ko!" nakabibingi nitong sigaw sa gitna ng tahimik na kapaligiran. Unti-unti namang umalulong ang mga aso sa loob ng gubat. Nakakikilabot iyon na para bang nakikita na ng mga ito ang madugong mangyayari. "C-Chronos, umalis na tayo," bulong ko sa kaniya matapos pulutin ang aking selpon. Hindi naman natinag si Chronos. Nakatayo lang ito habang matalim ang tingin sa lalaki. Maya-maya, umawang ang bibig ko nang muli na namang may kunin ang lalaki sa kaniyang likuran. Nang ilabas niya iyon, nakita ko ang isang mahabang bagay na parang latigo, isa itong b