SA PAGBALIK ni Mars sa ibaba ng palasyo ng Atlantis ay nagulat si Haring Alpiro nang ito ay makita. Ang hari ay napatayo mula sa kanyang pagkakaupo sa harapan ng lamesa kung saan ay naroon din ang ilang mga kawal niya na kasalukuyang kumakain. Si Mars naman nang makita ang hari ay hindi na napigilang mapangiti, nakikita na niya ang kanyang ama at hindi na nga sila nagdalawang-isip na lapitan ang isa’t isa. Mula naman sa likuran ni Venus ay naroon si Izu, ang kanyang kuya na napahawak sa may ulo sapagkat kilala niya ang lalaking kaharap ni Haring Alpiro. Kilala niya ito at may alaala siya sa kung sino si Mars at ano talaga ito sa kanyang kapatid. Si Prinsipe Alpiro naman ay napaseryoso sa nasaksihan. Sa pagkakataong ito ay may kung ano ang sumagi sa kanyang memorya. Kilala niya ito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


