UMATRAS na si Prinsipe Alpiro sa takdang kasal sana nila ni Prinsesa Venus. Nasaksihan niya ang nangyari sa palasyo ng kaharian ng Tubig. Ang paggaling ng prinsesa ay dulot ng lalaking nagligtas sa Elementalika, isama pa ang anak nitong tinatawag itong ama at ina ag dalaga. Kahit nga matagal na panahon niyang sinuyo si Venus ay batid naman niyang sa mga mata nito’y hindi siya nito mahal. Hindi sila ang nakatakda at kailangan niya itong tanggapin, hindi bilang pagkatalo… kundi bilang pagbibigay ng daan para makitang masaya ang dalaga. Nakita niya ang kakaibang imahe ng prinsesa kapag nakikita ang binatang Sero at isa iyong bagay na ni minsan ay hindi niya nakita rito kapag sila ang magkasama. Malugod naman itong tinanggap ng mga Maharlikang Aquanian dahil batid nilang hindi na matutuloy

