LIMANG araw mula nang matapos ang Tagisan ng Elemento. ***** MAY isang mataas na burol ang matatagpuan sa isang bundok at sa dulo nito'y may nag-iisang punong hindi ganoon kalaki ngunit sapat na para makapagbigay ng silong sa sinumang pupunta sa ilalim nito. Makikita rin doon ang isang may hindi kalawakang damuhan. Natatanaw rin mula roon ang isang malawak na gubat at sa isang bahagi nito ay may isang malaki at puting mansyon ang makikita. Sumilay ang munting ngiti mula sa labi ng binatang nakaupo sa ilalim ng puno. Nakatanaw ito sa magandang tanawing makikita mula sa burol. Umihip ang hindi kalakasang hangin, pero sapat na iyon para malaglag ang ilang dahong tuyo mula sa puno. Isang mahinang hakbang nga ang nagpakaluskos sa damuhan ng lugar at isang dalagang may mahaba

