NATULALA ang lahat nang biglang magliwanag ang aura ni Mars. Muli ngang nakabangon ang Sero at nasa harapan na nito ang isang batang babaeng may gintong buhok, si Hikin. Umiihip pa nga ang malakas na hangin mula sa kinatatayuan ng binata. Si Darkrai naman ay napahinto sa pinaplanong pagpatay sa Sero at ang mga Maharlika ay nakatingin lamang sa binata. Isa kasing napakalakas na kapangyarihan ang naramdaman nila mula sa binata. "A-ano ito?" bulalas ni Haring Alpiro na tila nakakaramdam ng pagkasabik sa mga mangyayari. Mas lalong nagliwanag ang aura ni Mars at pagkatapos ay sumabog iyon na nagpaliwanag sa paligid. Napapikit nga ang lahat dahil sa pagkasilaw dahil doon. Pagkatapos noon ay tila kidlat na pumasok sa pakiramdam ng mga Maharlika ang isang napakalakas na lebel ng enerhi

