NAPAHIGA si Mars dahil sa pagod at sakit ng katawan na idinulot ng labang iyon. Nagdurugo pa rin nga ang mga sugat na natamo niya mula rito. Lalong-lalo na nga ang sugat sa dibdib niyang dulot ng espada ni Darkrai. Pumipintig iyon hanggang kaloob-looban niya. Ramdam na ramdam niya iyon at hindi niya mapigilang mapangiwi dahilan upang mapapikit siya. "Natapos na ang laban... Nanalo na ako..." "Napatunayan kong kaya kong manalo kahit isa akong Sero..." Iyon ang nasabi ni Mars nang mga oras na iyon. Sa kabila ng sakit, ay isang munting saya naman ang unti-unting namamayani sa kanya. Nagsibabaan naman na ang mga Aquanian na magpapagaling kay Mars. Ang mga Maharlikang sina Reyna Claudia at Sakura, at Haring Shiyarku at Alpiro ay lumapag na rin sa battle arena. Sumunod din si Prinsipe Terran

