LI VE NORTE. Ito ang pangalan ng isang lugar sa Enomenos na pinamumugaran ng mga mababangis at malalakas na halimaw. Isa itong malawak na kalupaang napapaikutan ng mataas na bakod na bato. Ni isang puno ay hindi nga matatagpuan dito. Marami ring mga matataas na bato ang makikita rito. Minsan din nga ay ginagawa itong libingan ng mga kriminal. May mga pagkakataon din naman na dito pumupunta ang ibang mga nilalang upang magsanay at para mapalakas ang kanilang sarili. Marami na ring buhay ang nawala rito at dito nga gaganapin ang unang bahagi ng Tagisan ng Elemento! Sa araw mismo ng pagsisimula, makikita mula sa kalangitan ang tila mga tuldok na papalapit nang papalapit sa Li Ve Norte. Ito ay ang mga nilalang ng Elementalika na sasali sa tradisyunal na paligsahan sa buong daigdig ng eleme

