NAPAHIYAW ang mga manonood sa itaas ng Li Ve Norte nang may nakapasok na sa loob ng battle arena. Isang kalbong Terranian ang naunang makatungtong dito. Walang kahirap-hirap nga niyang dinurog gamit ang kamao ang mga napakabibilis na mantis na halimaw na humaharang sa arena. "Ako si Jupiter! Ang mananalo sa kompetisyong ito! Hah! Hah! Hah!" malakas pa niyang sigaw at pagkatapos noon ay nagpalabas siya ng napakalakas na aura. Naging sanhi nga iyon upang mayanig ang buong paligid. Nang mga sandali namang iyon, seryoso namang nanonood si Hikin ng mga nagaganap sa ibaba. Sandali ring napatuon kay Mars ang panooran. Nasa dulong muli ang binata dahil sa ginawa ng isang grupo ng mga Terranian din. Napatingin din sa ibaba ang bata at doon nga'y siya ay napailing sapagkat naglaho ang umaapo

