BUSOG na busog na si Hikin nang datnan ni Mars. Hindi mabatid ng binata kung gaano katagal niyang naiwanan ang batang kasama. Hindi rin naman siya nag-alala rito sapagkat may taglay naman itong lakas. Nang mga sandaling 'yon nga'y parang lutang na lutang pa rin ang kanyang pakiramdam. Napalingon pa siya sa direksyon na kanyang pinagmulan. Hindi niya alam kung naroon pa ang dalagang kanyang nakita sa may talon. "Prinsesa V-venus..." Napahawak ang kanyang kanang kamay sa kaliwang bisig niya. Naroon pa rin kasi ang pakiramdam ng nangyari kanina. Nanatili ang sensasyon at init ng pagkakayakap sa kanya. Naaamoy rin niya ang halimuyak na dala ng prinsesa at tila, nagmarka iyon sa kanyang ilong. Ramdam na ramdam niya ang malakas na kabog ng kanyang puso nang mga oras na iyon. "Saan ka

