"N-NAIS kong malaman kung maaari rin ba akong magkaroon ng kapangyarihang Elemental kahit na isa akong Sero?" seryosong tanong ni Mars. Tila sumeryoso ang pagkakatingin ng ermitanyong si Ganoba kay Mars matapos marinig iyon. "Ang isang Sero'y kailanman ay hindi magkakaroon ng kapangyarihang elemental..." Natigilan si Mars sa mga narinig niyang iyon. Inaasahan na rin naman niyang marinig iyon. Nais niya lang din na marinig iyon dahil nagbaka-sakali siya na, kung may tsansa man ay nais niyang malaman kung paano. Kahit mataas ang kanyang tiwala sa kakayahan, batid niyang higit na makakalamang pa rin ang isang nilalang na may kapangyarihan. Iyon nga ay base sa kanyang obserbasyon. "Iyon lamang po ang nais kong marinig. Maraming salamat po sa inyong oras..." Tinalikuran na ng bi

