SA isang burol sa silangang bahagi ng Cleyanero ay may isang maliit na bahay na yari sa kahoy ang matatagpuan doon. Doon nga nakatira si Mars at ang batang si Hikin. Doon sila namuhay nang magkasama noon pa man. Sa Elementalika nga ay nabibilang sila sa iilan na hindi napagkalooban ng kapangyarihang elemental. Tinatawag silang Sero. Ngunit sa kabila ng katangian nilang iyon ay ni minsan ay hindi nila naranasang makaramdam na iba sila sa mga may kapangyarihan. May angking lakas at kakayahan din kasi sila pagdating sa pakikipaglaban. Hindi iyon maitatago dahil minsan nang naglakbay ang dalawa sa mga malalayong lugar sa Enomenos. Doon ay marami na silang nakalabang mga malalakas na halimaw at hayop, at lahat ng iyon ay natalo nila. Hindi nga rin maiipagkaila na sila ay medyo may pangalan na s

