KUNG may bago lang sanang katawan si Seb ay baka hindi ito nagawang matalo ni Mars. Sa kabila nga ng lakas na taglay niya nang mga sandaling iyon, ang tumalo pa rin sa kanilang kalaban ay hindi siya, kundi ang sumpa sa katawan nito. Hindi kasi nakakuha si Seb ng bagong katawan na naging dahilan upang siya ay magapi nang oras na iyon. Natulala na nga lang si Mars sa mga nangyaring iyon. Kahit na pakiramdam niya kanina ay matatalo na siya, pero gusto pa rin niyang lumaban. Ang espada niyang hawak ay hindi man lang niya nagamit nang maayos at ang kanyang kapangyarihang apoy, sa kabila ng pagprotekta sa kanya ay hindi naman niya nagawang magamit nang lubos. Ang paligid ay unti-unting bumalik sa dati nitong anyo at ang Dakoroso ay naglaho na lamang nang biglaan. Kasunod noon ay ang pagd

