NAKAHIGA si Seb sa harapan ng nakapalibot sa kanyang apat na Maharlika. Makikita ang isang mahabang sugat sa dibdib nito na nilikha ng espadang Yama na naging dahilan para magapi siya ng mga ito. “Ito na ang katapusan mo Seb,” nanginginig na boses na nagmula sa lalaking si Theoi. Nababalot ang duguang katawan nito ng makapal na baluting kakulay ng lupa. “Para sa mga pinatay mo sa Dakoroso... Buhay mo ang siyang dapat maging kapalit nito!” Mababakas nga sa mga mata ng Terranian ang labis na galit sa kalaban na naging dahilan kaya ang kanyang ama ay namatay. Isama pa ang mga malalapit sa kanya na napaslang din sa nangyaring ito sa buong siyudad. Isang bilog ng umiikot na hangin naman ang makikitang nasa palad ni Gaia. Seryoso siyang nakatingin sa nakabulagtang si Seb. Naalala pa niya

