LUMIKHA kaagad ng apoy na harang si Haring Alpiro nang lumapag ito sa pagitan ng Sero na si Mars at ng misteryosong kalahok na may itim na aura. Doon nga bumangga ang talim ng espada ng dalawa na naging dahilan upang sumabog ang napakaraming puting apoy sa paligid at sa hangin, subalit sa kabila noon ay hindi nawasak ang harang na nilikha ng hari. Nagliwanag at nayanig ang paligid dahil doon. Sabay ring bumagsak padapa ang dalawa at pagkatapos ay naglaho ang kanilang malakas na aura. "Ibuhos ninyo ang buong lakas ninyo kapag kayo na ang nagkaharap sa ibabaw ng lugar na ito!" malakas na sabi ng hari ng apoy. Isang malapad na ngiti rin ang bumakas bigla sa labi nito, at tiningnan niya ang dalawa pagkatapos niyon. Napakuyom ng kamao ang dalawang kalahok at mahinahong tumayo. Nang

