BUKOD sa prinsesa ng tubig na si Venus, isang Maharlika rin ang palihim na sumali sa paligsahan. Siya ay si prinsipe Isago, ang pinsan ni prinsipe Terrance na anak ni Reyna Sakura. Hindi nga nito maiwasang mapamangha at manabik na makalaban si Mars dahil sa mga napanood niya mula rito. Napakuyom pa nga ito ng kamao at napangisi. "Wala nang dahilan pa para itago ang sarili ko..." sabi ni Isago at naglakad na ito papalayo mula sa battle field. Bumaba na rin nga ang isang Aquanian at pinagaling ang mga sugat ni Mars. Ngunit hindi agad niyon maiibalik ang buong pisikal na lakas nito. Sapat na rin naman ang oras na kakailanganin ng binata bago ito lumabang muli para mapabalik ang nawala niyang lakas. Sa hindi maipaliwanag namang dahilan, awtomatikong nilapitan ni Venus si Mars para

