Roxanne Napagdesisyunan ni Claude na manatili na muna kami sa hotel sa loob ng isang linggo. Dapat sana ay mauuna nang bumalik ng bahay ang pamilya ni kuya Charlie pero buong oras nag-iiyak si Crystal dahil ang gusto niya ay maiiwan dito sa hotel ang kuya Charles niya at si baby Chloe. Ayaw niyang mawalay sa mga ito. Ayaw din naman niyang sumama pauwi ng bahay kung hindi kami kasama ng daddy niya. Ayaw din naman namin ni Claude na mawalay siya sa amin kahit pinagtatabuyan na kami ng pamilya niya na magsolo daw muna kaming dalawa dahil katatapos lang naman ng aming kasal. Pero hindi ko kayang mawalay sa anak ko. Hindi ko kayang hindi siya makita sa loob ng isang araw. Gano'n din naman si Crystal sa amin. Kaya naiwan pa rin sila dito sa hotel at si daddy Harold na lamang ang naunang umu

