Roxanne Matapos ang isang linggo naming pananatili sa Delavega Grand hotel ay muli na kaming bumalik sa mansion ng mga Delavega. Napagdesisyunan namin ni Claude na dito na rin muna kami mananatili para kay Crystal. Nalaman din namin na nagpapatayo ng mansion si kuya Charlie sa Forbes Park sa Makati para sa kanila ng pamilya niya. At itong mansion na ito ng mga magulang nila ay maiiwan kay Claude ayon sa ama nila. Pero habang hindi pa raw natatapos ang mansion na 'yon ay makakasama pa rin namin sila dito. Pinag-iisipan din ni Claude ang pag-aaral ni Crystal. Ang gusto niya ay pagsamahin na lang sila ni Charles sa isang school para daw may magbabantay sa prinsesa namin sa loob ng paaralan. Kaya paminsan-minsan na lamang kami makakauwi sa bahay namin sa Antipolo. Si Lor ay pinadala ni Cla

