Roxanne "C-Claude, nag-aalala ako para kay Crystal. Baka lapitan siya ni Sandro." Kahit papaano kasi ay may tiwala rin ang anak kong 'yon sa kanya. Never pa naman pinakitaan ni Sandro ng hindi maganda si Crystal. Baka kaunting pang-uuto lang ni Sandro sa kanya ay sumama kaagad siya kahit lagi kong sinasabi sa kanya 'yon noong nasa probinsiya pa kami na huwag siyang sasama sa kahit na sinong tao, kahit sa tito Ando pa niya. "That bastard will never be able to get near her. I guarantee that." Sana nga. Hindi ko kakayanin kapag ginamit niya ang anak ko sa mga katarantaduhan niya! "What things did he say to you?" Muli akong napatingala sa kanya. "You talked, didn't you? What did you talk about?" Bigla akong napalunok lalo na sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Masyadong taimtim at tila

