Roxanne Nagising ako sa isang puting silid na mukhang sa isang hospital. Lumibot ang paningin ko sa buong paligid. Natanaw ko si ate Lhevy sa pinto na kinakausap ang isa sa mga bodyguard na naroroon. "Tandaan niyong mabuti ang mukha ng doctor na um-examine kanina sa ma'am Roxanne niyo at maging ang mukha ng mga nurse dito. Huwag niyo sila basta-basta papapasukin." "Yes, ma'am." Kaagad ding isinara ni ate Lhevy ang pinto at bumaling sa akin. "Roxanne! Gising ka na pala!" bulalas niya nang mapatingin na siya sa akin. Nagmadali siyang lumapit sa akin. "A-Anong nangyari?" Sinubukan kong bumangon ngunit bahagyang umiikot ang paligid ko. "Huwag ka munang bumangon kung hindi mo pa kaya. Patungo na dito sila Claude at Charlie." Inalalayan niya akong makahigang muli. "Ano bang nangyari?

