Graduating na si Cath sa high school ngayon at natural lang na napakaraming humahanga sa kanya. Madami ang nanliligaw at ang iba ay nagpapalipad hangin lang. Madami din ang naiinggit na mga kababaihan. Bukod kasi sa maganda at sexy, matalino din si Cath. Kasama siya sa Top 10 ng class. Madalas tuloy ay napapasali siya sa mga beauty pageant sa school at maging sa mga inter-school competition.
Hindi sa lahat ng contest ay nananalo si Cath. May isang bagay na wala siya. Talent. Walang talent si Cath. Hindi marunong kumanta. Parehong kaliwa ang paa sa pagsasayaw. Ayaw din naman umarte dahil corny daw. So ano? Kakain na lang ba sya ng apoy o tatawid sa alambre? Mabuti nauso ang pasikat sa socmed. Nung minsan nag-pasikat na lang siya sa stage at yun na ang pinaka-talent niya. Dahil sa aliw factor, ayun, natuwa ang judges at nanalo siya. Nakakatawa pero sa totoo lang, hiyang hiya ang mga kuya niya at ang nanay niya!
Eto ang sikretong malupet ni Cath. Gusto niya ang mga beauty contest dahil madami siyang nakikitang magaganda at mga sexy sa dressing room! Halos lumuwa ang mata ni Cath sa kabilaang naggagandahang mga girls at yung iba pa e nagpapatulong sa kanya magkabit ng bra. Ka-swerte ko nga naman talaga. Ilang bra pa kaya ang ikakabit ko ngayong gabi? Grand Finals iyon ng Mr. & Ms. High School sa school nila. Ito na ang huling pagkakataon na makakasali si Cath sa mga ganitong pa-contest dahil next year, college na siya. Gusto ng nanay niya at mga kuya niya na mag-focus na siya sa pag-aaral. Education ang kukuning kurso ni Cath. Bata pa lang siya ay pangarap na niya ito. Lahat ng kuya niya ay pagsi-seaman ang kinuhang kurso. Dalawa sa kanila ay hindi pa tapos. Ang panganay na si Alex ay tapos na pero hindi pa nakakasakay ng barko. Nang gabing iyon ay hindi nanalo si Cath. Dahil hindi naman siya palaging nananalo.
SUMAPIT ANG GRADUATION DAY SA HIGH SCHOOL. Lahat ay masaya dahil tapos na ang schoolyear at bakasyon na. Karamihan sa mga kaklase niya ay may kani-kaniyang partner na sa school. May nagyaya kay Catherine para sa celebration ng gabing iyon. Inuman daw sa bahay ng isa sa mga kaklase. Pinayagan naman si Cath basta huwag maglalasing.
At dahil nga lahat ay may kani-kaniyang partner na, bukod tanging si Cath lang ang walang partner. 9th wheel siya sa gabing ito.
“Oh ano na, Cath! Marami pang pulutan dito oh, abot ka lang!” Alok ni Grace, siya ang nakatira sa bahay na ito. Bestfriend ito ni Cath at kapitbahay din.
“Sige lang, okay lang ako. Masarap naman ‘tong ice cold flavored beer kahit walang pulutan.” Sagot naman ni Cath na sarap na sarap sa pagtungga sa bote. Hindi na siya nag-baso dahil malamig naman ang iniinom nila sa bote.
“Baka mapasobra inom mo Cath. Dahan dahan lang ha.” Paalala naman ng isa pa nilang kaklase nang mapansin na sunod sunod ang tungga ni Cath. E kasi nga, wala naman siyang magawa dahil lahat sila ay busy sa mga partner. Ang masaklap pa, crush ni Cath si Grace, na ayun at may kalingkisan din.
“Oks lang ako. Limang bahay lang layo nito sa bahay namin oh.” Itinuro pa ni Cath ang bahay nila sa di kalayuan.
Nang dumampot si Cath ng pang-apat niyang bote sa may lamesa, napansin niya na hindi na ito malamig. Kaya nagkusa na itong tumayo para kumuha ng baso sa kusina at ng yelo. Nang lingunin niya si Grace, busy ito na nagpapalagay ata ng chikinini sa nobyo niya. Ngiii…huwag ko na lang istorbohin, baka batuhin ako ng kimchi, bigla akong maging koreana. Pinapatawa na lang ni Cath ang sarili niya pero sa totoo lang ay selos na selos na siya sa lalaking kasama ni Grace. Ni hindi naman iyon nobyo ni Grace, ang alam niya ay parang MU lang sa school.
Tumayo na siya at pumasok ng bahay. Sa labas kasi sila sa may veranda nag-iinuman. Hindi pa ganoon ka-kabisado ni Cath ang loob ng bahay nina Grace. Pag napunta siya dito ay palaging nasa labas lang sila. Hmm..malaki pala ang loob ng bahay nila. San kaya banda ang kusina? Palibhasa ay malalim na ang gabi, tulog na ang mga kasama ni Grace sa bahay. Walang napagtanungan si Cath pag pasok niya. May nakita siyang pinto at sinubukan niyang buksan.
“Oh shocks, sorry! Hindi ko sinasadya!” Kuwarto pala iyong nabuksan ni Catherine. Pero maliit na kuwarto na parang servant’s quarter. At kitang kita niya ang lalaking nagsusuot ng pantalon na napatigil pa dahil nagulat sa kaniya. Agad na isinara ni Cath ang pinto. Nanakbo siya palayo at saktong sa kusina agad siya napunta na katabi lang ng kuwartong napasukan niya. Palibhasa ay tulog na ang mga tao kaya siguro patay na ang mga ilaw.
Hinihingal pa si Cath habang hawak hawak ang dibdib niya. Nakatayo siya malapit sa dingding ng kusina at kumakapa ng switch sa dingding para maging mas maliwanag. Ilaw lang kasi mula sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag ngayon.
Pagkapa niya sa switch ay saktong kumapa din ng switch si Simon. Ito ang lalaking nakita niya kanina sa kuwarto na nagbibihis. Nagulat si Cath at muntik nang malaglag ang puso niya. Sige nga kapain mo ang dingding, tapos kamay ang mahahawakan mo. Natural natakot si Cath, muntik na siyang himatayin kaya nanlambot siya sa pagkakatayo niya.
Maagap naman si Simon na nahawakan si Cath sa braso nito. “Ah, Miss…okay ka lang ba? Miss?”
Pagkatayo ni Cath ay napansin niya na maliwanag na. Nasindihan na ng lalaki ang ilaw. “I’m sorry. Akala ko kasi kung ano yung nahawakan ko. Kamay pala ng tao. Buhay ka pala. Akala ko kasi multo.” Napangiwi pa ang mukha ni Cath.
Tawa naman nang tawa si Simon. Inilahad niya ang kamay niya at nagpakilala.
“Simon. And you are?”
“Catherine. Cath na lang.” Agad namang sagot ni Cath at inabot ang kamay ni Simon na nakalahad sa kaniya.
“May hinahanap ka ba?” Tanong ni Simon pagkabitiw nila ng kamay.
“Ah, oo. Yelo sana eh, tsaka baso. Busy kasi si Grace kaya ako na nagprisintang kumuha.” Pinipilit ni Cath na tumingin ng diretso kay Simon dahil parang nahihilo na siya dala siguro ng tatlong bote ng beer na nainom niya.
“Let me help you.” Pagkasabi nito ay binuksan ni Simon ang ref at naglabas ng ice cubes. Mabilis niya itong inilagay sa bowl. At pagkatapos ay kumuha ng baso. “Ilan?” Tanong ni Simon.
“Isa. Sa akin lang.” Sagot naman ni Cath.
“But I don’t think kakayanin mo pa. Mukhang nahihilo ka na, hindi ba?” Parang nag-aalala naman si Simon.
“No, no. I’m fine. Kayang kaya ko pa. Besides, diyan lang ako nakatira, malapit dito, 5 houses away. Speaking of which, ikaw ngayon ko lang nakita dito. Halos kilala ko lahat ng tao dito.” Habang kinukuha ni Cath ang baso ay inaabot na din niya ang bowl ng yelo. Pero napansin niya na hindi ito binibigay ni Simon.
“I’m a balikbayan. Pinsan ako ni Grace.” Pagkatapos ay binitbit nito ang bowl ng yelo at inaya na si Cath na lumabas sa veranda. Hinatid niya si Cath sa veranda.
Pagkakita ni Grace na lumabas si Cath kasama si Simon, natuwa ito at pinakilala sa mga nandoon. “Guys, guys, awat muna.” Awat niya sa mga naghahalikan nang magpa-partners. “Pinsan ko nga pala, si Simon. Balikbayan yan. Pero dito na titira sa amin. Mas gusto niya dito kesa sa US kaya ayun, pinadala ng auntie ko dito.” Mahabang pakilala ni Grace. “Join us, cuz.” Itinaas pa ni Grace ang baso niya sabay sigaw. “Cheers!” Sabay sabay na sumagot ng cheers ang lahat.
Naupo na si Cath at itinuloy ang pag-inom. Nagsalin siya ng beer sa basong may yelo. Naupo naman sa tabi niya si Simon. Sa wakas, hindi na 9th wheel si Cath. May kausap na siya.
“Tagay?” Alok ni Cath kay Simon nang maupo ito.
“Sorry, I beg off.” Tanggi ni Simon.
“Bakit naman? Celebration nga ito ng graduation namin e.” Pilit ni Cath.
“Sige na nga. Kahit isang bote lang ha. Mahina lang talaga ako uminom.” Umabot ng isang bote si Simon at saglit na umalis. Pagbalik ay may dala na itong baso na may yelo. At may dala ding chocolate. Agad niya itong iniabot kay Cath.
“O, ano to?” Natatawa naman si Cath pagkakuha sa chocolate.
“Pasalubong. Hindi ba uso dito yung pag may balikbayan, may pasalubong? Bili ko yan sa duty free.” Pagyayabang pa ni Simon. Napahagalpak ng tawa si Cath dahil mali pala siya ng akala. Nung una naisip niya na nanliligaw agad? Ano ka ba Cath, nakakahiya ang dumi ng isip mo. Bigla niyang sinaway ang sarili niya dahil bago ito sa pakiramdam niya. Ang maging assumera.
“Salamat dito, tol.” Pwede ba ‘tol na lang itawag ko sa ‘yo? Parang kapatid ko na din kasi yan si Grace. Sabay kaming lumaki niyan dito sa kalyeng ‘to. Naliligo pa kami noon sa ulan naka-panty lang.” Sinabayan pa ni Cath nang malakas na tawa. Hindi agad nakatawa si Simon dahil saka lang napansin ang pananalita ni Cath. Medyo may pagka-astig kasi at brusko.
“Hahaha! Mukhang alam ko yan kasi nagpapalitan sila ng mom ko ng pictures namin, at may naalala ako na naliligo si Grace sa ulan nang naka-panty. Ikaw pala yung isang bata dun?” Tawa nang tawa si Simon.
“Weh? Di nga? May ganun talaga?” Nagulat naman si Cath sa kuwento ni Simon.
“Swear, I’m not kidding! Isa kasi iyon sa paborito kong picture kasi hindi kami nakakaranas maligo sa ulan sa US.” Itinaas pa ni Simon ang kanang kamay niya.
Naitakip ni Cath ang isang kamay sa mukha nang magsalita. “Goodness! Nakakahiya! Baka may ruffle pa yung suot kong panty dun!” At sabay na nagtawanan ang dalawa. Wala na din silang pakialam sa mga kasama nila. Sa buong magdamag, sila ang magkakuwentuhan.
Mayamaya ay may nakaalala sa kanila na may meteor shower ng alas onse ng gabi. Excited na sumigaw si Ivy, isa sa mga classmates nila.
“Guys, guys! Dali bilisan ninyo! Pumuwesto tayo doon sa gilid ng veranda. Abangan natin ang meteor shower para makasama na natin ang soulmate natin!” Halos magtatalon pa si Ivy sa excitement. Nagtayuan naman silang lahat at humilera sa pasimano. Si Simon naman ay saglit na nagpaalam para mag-restroom. Mabuti na lang dahil siksikan na sila sa kahabaan ng pasimano, hindi na kasya kung sasali pa si Simon.
Natuwa si Cath dahil ang tsismis ay kung sino ang makakatabi pag bagsak ng meteor shower, iyon ang magiging soulmate mo. Sa dulo napaupo si Cath at kasunod niya ay si Grace. Dahil nga may gusto siya dito, hindi masama kung sila ang magiging soulmates. Lihim na kinikilig si Cath. Sa kabilang side ay katabi ni Grace ang ka-MU nito.
Five minutes na lang bago mag-alas onse ay biglang tinawag si Grace ng tatay niya na bagong dating galing sa pagmamaneho. Jeepney driver ang tatay nina Grace. Nakaharang ang scooter ni Grace sa garahe kaya pinaayos ng ama niya. Dalidaling bumaba si Grace para ayusin ito.
Malapit na malapit nang mag-alas onse pero hindi pa din bumabalik si Grace. Paglingon ni Cath ay saktong tumabi si Simon sa kaniya. Iyon lang kasi ang nakita nitong bakante, ang inalisan ni Grace. Nanlaki ang mga mata ni Cath nang maalala ang tungkol sa soulmate! Itutulak pa sana niya si Simon pero bigla na lang naghiyawan na ang mga kasama niya.
“Ten! Nine! Eight! Seven! Six! Five! Four! Three! Two! One!” Saktong natapos ang countdown ay nakita nila ang napakaraming bulalakaw na parang mga maliwanag na sibat na bumagsak mula sa kalangitan. Manghang mangha silang lahat sa nakita nila. Pero si Cath, iba ang naisip.
Oh my ghad, si Simon ang katabi ko! Siya ang soulmate ko? Napatakip ng bibig si Cath dahil sa naisip niya. Yukk, I’m sure kalokohan lang ‘tong meteor shower na ‘to! Sa loob loob niya ay naisip niya na hindi naman ito totoo kaya pinakalma na niya ang sarili niya.