LUMIPAS NA ANG LIMANG TAON. Kasalukuyan nang nagpapatakbo ng sariling kumpanya si Simon. Ngayon ay 26 years old na siya, nagkaroon na ng direksyon ang buhay niya mula nung makagraduate siya two years ago. Salamat kay Catherine, kung hindi dahil sa kaniya at sa mga kuya niya ay hindi sana naisipan ni Simon na tapusin ang pag-aaral niya. Pero nasaan na kaya siya? Bakit bigla bigla na lang niya kami nilayasan? Kung alam mo lang, Cath, ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagsisikap kong makatapos. Alam ko kasi na ayaw sa akin ng mga kuya mo dahil isa akong tambay. Ngayon ay isa na akong ganap na engineer. May ipagmamalaki na ako Cath...sana naman ay magpakita ka na sa amin. Sa tulong ng mga magulang ni Simon, naitayo niya ang engineering firm niya. Nagsimula lang siya sa isang maliit na opisi