CHAPTER 27: THE OFFER

3608 Words

Sa loob ng bar, iba’t ibang klase ng tao na ang nadatnan nila ni Roy at ng iba pa nilang mga kasama. Sa mga co-teachers niya, kay Roy pinakamalapit si Catherine. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman nito dahil ayon dito, hindi alam ng pamilya niya sa Pinas na isa siyang gay. Takot pa itong mag-out dahil mahigpit ang tatay nito. Naupo sila sa isang mesa at agad na umorder ng cocktails. Hindi pa sila nag-iisang oras doon ay may lumapit nang waiter kay Catherine. May ibinulong ito sa kaniya. “Ma’am, that man on the other table is asking if you are a filipina. And he’s asking for your number.” Bulong ng waiter sa kaniya. Natawa si Catherine at kinalabit si Roy. Sinabi niya dito ang sinabi ng waiter. Si Roy ang lumingon at sinipat ang sinabing lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD