Mabilis na naasikaso nina Catherine at Roy ang mga kailangan nilang tapusin sa Amaze School. Nagpaalam sila nang maayos sa school administrator at nagpasalamat naman ito at nalungkot din dahil isa sila sa mga mahuhusay na teachers ng school, lalo sa English subject. Kilala ang husay ng mga pinoy sa Thailand pagdating sa pagtuturo ng English. Lumipas ang isang linggo na hindi na uli nakausap ni Catherine si Marius. Isang araw, habang nagla-lunch sila ni Roy sa loob ng unit niya, napag-usapan nila kung totoo ba kaya ang offer ni Marius. “Alam mo ba Cath, I did some research. Totoo naman, isa ngang business magnate sa Cebu si Marius. I even read some local news sites, laman pala ng balita yang si Marius at sikat na sikat sa Cebu.” “Pero hindi pa ako nagpapaalam sa admin ng condo. Paano k