Nangyari na nga ang pinakasasabikang gabi ni Catherine. Mainit na mainit sa kama si Grace, at sa tingin ni Catherine ay may karanasan na ito. Si Grace ang mas agresibo sa kanilang dalawa. Habang magkalapat ang mga labi nila, gumagapang na pababa ang kamay ni Grace at kumakapa na sa pagitan ng mga hita ni Catherine. Hindi akalain ni Catherine na mapapaligaya siya nang ganoon ni Grace. Ginawa din niya ang lahat para mapaligaya ito nang husto. Mahihinang pagdaing at mga pag-ungol lang ang maririnig sa buong kuwarto. Noon lang nakaranas nang ganoon si Catherine na para siyang dinala sa alapaap sa sobrang sarap. Nang matapos sila ay kapwa sila basang basa at nangingintab sa pawis. Pareho silang napagod at nakahiga nang magkayakap at walang saplot. Agad na nakatulog si Grace na mukhang napagod