Naging napakasaya ni Catherine nang sumunod na mga araw. Hindi na sila mapaghiwalay ni Grace. Palagi na silang sabay kung pumasok. Palagi ding sabay umuwi. Madalas silang magkahawak-kamay habang naglalakad at bakas ang saya sa mga mukha nila. Pakiramdam ni Catherine ay wala na siyang mahihiling pa, pagmamahal lang ni Grace ay sapat na sa kaniya. Madalas din na kapag umuuwi sila ay tatambay muna si Catherine sa bahay nina Grace na dati naman na nilang ginagawa. Ang ipinagtataka lang ni Catherine ay bihirang bihira na niyang nakikita si Simon. Madalas sa umaga ay nasa loob pa ito ng kuwarto niya. Sa gabi naman ay hindi pa ito nakakauwi. Hindi na din sila sinusundo ni Simon sa school. Nasanay na din si Catherine na tiisin ang pagtayo sa siksikan na bus. Paminsan minsan ay naiisip niya si Sim