TATLONG TAON na ang nakalipas mula nang lisanin ni Simon ang Pilipinas. Wala na siyang nakausap na kahit sino sa mga naiwan niyang kaibigan mula noon. Kahit si Grace ay hindi na din niya palaging nakakausap. Kapag nagtatawagan lang ang mga parents ni Grace at mga parents niya, doon lang nagkakaroon ng balita sina Grace tungkol kay Simon. Wala din naman silang masyadong maikuwento dahil wala namang masyadong ganap sa buhay ni Simon. Pumasok ito sa isang private company sa US at ginugol lang ang sarili sa trabaho. Pagdating naman sa bahay ay nagkukulong lang ito sa kuwarto. Paulit-ulit lang na ganoon si Simon sa loob ng tatlong taon. Nang magkaroon ng International Expo para sa Housing and Construction, isa si Simon sa napili ng kumpanya na mag-represent para sa kanila dahil sa Pilipinas ga