“ANONG nangyari sa ‘yo at parang hinabol ka ng mabangis na hayop, Yucefina?” nagaalalang tanong sa ‘kin ni Ysa na’ng pabagsak akong umupo sa malambot na upuan ng swivel chair. Napansin n’ya sigurong med’yo hindi normal ang pag-hinga ko na’ng dahil sa kaba. Shuta, sana ‘wag n’ya na akong sundan ni Logan dito. Akala ko kasi hindi na s’ya lilingon sa ‘kin! “Okay ka lang ba? Pinagpapawisan ka kahit malamig naman ah?” Napa-titig na ako kay Ysa sabay nginisihan s’ya ng pilit at pinunasan ang pawis sa noo ko na hindi naman ganu’n karami. “Ayos lang ako. Nag jogging-jogging lang,” marahang tugon ko na ikinakunot ng noo n’ya. “Nag-jogging? Sa loob ng elevator?” Natawa ako bigla sa narinig ko. “Galing ako sa floor 5, sa locker natin. Doon ko ginawa... Wala na akong time mag-exercise sa bahay,”