BIGLA akong sinapian ng kaba sa katawan na’ng marinig ang malalim na sigaw. Ang sakit sa tainga na mas umalingawngaw ‘yon sa buong silid. Nabato ako sa aking p’westo na hindi agad naka-usal ng kahit anong salita. “Did you f-ucking hear me, little b-itch? Get out of here,” mariing wika n’ya na tila gigil na gigil sa ‘kin at hindi ko alam kung bakit. Narinig ko pang mahinang tumikhim si Sir Nate sa aking likuran at awtomatikong bumalik ang kaluluwa ko sa katawan. “T-Teka nga, sir Logan. Anong bang problema at galit na galit kayo?” mahinahon kong tanong sa marahang paraan pero imbes na sagutin na lang ako, bigla s’yang lumakad papalapit sa ‘kin at nakikita ko mismo kung gaano kalaki ang kan’yang mga hakbang. “Aray ko naman!” daing ko na’ng marahas n’yang kinapitan ang kaliwa kong pulsuhan