YUCEFINA HINATID ko muna ‘tong dala-dala ni Logan kanina. Nilapag ko ang brief case na ‘yon sa ilalim ng side table ko. Naiinitan ako kaya naligo muna bago bumaba ro’n ulit. S’ya nga pala, binisita ako rito ng pinsan kong sa side ng mama ko. Si Furlan, mas matanda lang s’ya sa ‘kin ng isang taon. Magiisang taon na rin yatang hindi kami nag-kita kaya nagulat talaga ako kanina at natagpuan n’ya ako rito. Med’yo tumagal ang kwentuhan namin hanggang narinig ko na lang na may bumusina sa labas ng bahay at doon na nga dumating si Logan. Maiwan ko muna sila ro’n dahil mag-c-cold shower muna ako saglit. “Anak, ano pa ang ginagawa mo riyan. Harapin mo muna ang mga bisita mo, lalo na ‘yang si Furlan. Madalang lang kayo mag-kita!” Lumabas na ako sa naka-bukas na pintuan ng aking banyo na’ng mari