DALAWANG oras yata kami natapos ni Logan. Enjoy na enjoy naman ako dahil s’ya na naman ang gumawa ng lahat ng trabaho! Hindi ko alam kung napagod s’ya dahil parang wala namang bakas na matamlay s’ya ngayon. Naka-upo na kami sa malambot na sofa bed dito sa balcony ng office n’ya. Naka-sandal ang ulo ko sa kan’yang kanang balikat habang sabay naming pinagmamasdan ang napaka-aliwalas na kalangitan. “Sa bahay ka ba matutulog mamaya?” marahang tanong ko sabay unti-unti kong binaba ang aking katawan hanggang sa tuluyan na akong humiga sa kan’yang mga hita. Binabaan n’ya ako ng tingin at nilapat ang palad n’ya sa noo ko. He gently rub it. Naka-titig ako sa kan’yang maamong imahe na maaliwalas rin iyon. Mas maganda pa yata ang view na tinititigan ko kaysa kanina ah. “Yes I am, darling. Nagm