NA’NG matapos banggitin ni Logan ang mga salitang ‘yon, kinapitan na naman ni Mister Raven ang kanang braso ni Maica at hinila paalis sa harapan namin. “No! I can’t leave here! I am working!” sunod-sunod na sigaw ni Maica habang pilit s’yang pinapapasok sa elevator. “I’ll be back! You can’t do this to me Logan! I will tell my Dad about this!” Hanggang sa sumara na ang elevator at doon ako huminga ng marahan. I don’t know if I would feel sad or happy dahil wala na s’ya rito. Matutuwa ako dahil wala na’ng asungot na iistorbo sa ‘kin. Nalulungkot din ako dahil mawawalan s’ya ng trabaho na mukhang nagustuhan n’ya ring mag-work dito. “Are you okay, darling?” Naagaw ni Logan ang aking atens’yon na’ng hinarap n’ya ulit ako. “O-Oo, nagaalala lang ako dahil baka awayin ka na naman ng mama mo p