NILAKIHAN ko s’ya ng mga mata sa sinabi n’ya at mabilis ko s’yang tinulak. Napa-bitaw agad s’ya sa ‘kin. Tumayo ako ng tuwid habang magkasalubong na ang aking mga kilay pero kinontrol ko agad ang facial expression ko na hindi s’ya sasamaan ng tingin. Sira ulo to ah? Nagulat ako sa ginawa n’ya! Mas advance pa yata 'to mag isip kaysa kay Logan! Pero hindi ko pinahalatang nailang ako dahil kakapitan ba naman n’ya ang pulsuhan ko tapos hinila papalapit?! Sa pagkakaalam ko, nasabi ko na sa kan’ya na boyfriend ko si Logan ah?! “Are you kidding me? Hindi ko ba nasabi po sa ‘yo na girlfriend ako ni Logan?” seryosong sambit ko pero mabilis n’yang tinuon ang pansin sa tablet. “I don’t know what you are talking about. The thing is, why you are concerned about me?” tanong n’ya sa walang ganang bo