NAGSITAYUAN ang mga balahibo ko na’ng marinig ang nakakairita sa tainga n’yang malalim na boses dahil nakakakilabot pakinggan. “Bakit, kilala mo rin ba s’ya Kuya?” pabalik na tanong ni Junellah na may halong pagtataka sa kan’yang boses. “She is a costumer to our café but there was a little accident earlier. One of our waitress accidentally spilled the juice on her shirt. Sinama ko s’ya rito para ipa-laundry ang damit n’ya,” magalang na paliwag n’ya pa pero matigas akong tumikhim para makuha ang kan'yang atens’yon. “Mawalang galang na po sa itatanong ko ha, magkakaano-ano po kayo?” Hindi ko alam kung nabingi lang ako kanina at kuya ba ‘yong narinig ko? Hinarap ako ni Junellah at nginitian ako ng malawak. "He is my older brother, Miss Yucefina. Logan Dela Fuesco. Magkakilala na ba kayo n