LALO pa yatang nanggigil si Miss Edella sa malalim na utos ni Logan. Pero ang kondis’yon ng boses na ‘yon, hindi dapat s’ya kakasa at ‘yon na nga ang nangyari. Tumahimik s’ya ulit na parang gusto n’yang sagutin si Logan. Nagdadalawang isip s’yang gawin ‘yon dahil bumigat ang kan’yang pag hinga ‘e. Hanggang sa kinapitan n’ya ang kamay ni Maica sabay hinila at mabilis na lumakad patungong elevator habang rinig na rinig ko ang lagabog ng kanilang mga heels. Pinaramdaman ko muna na sumara ang pinto ng elevator at na’ng mangyari ‘yon, doon na ako naka-hinga ng maluwag. “Where are we, my darling—“ “Mas’yado ka namang harsh sa mama mo, Logan! Umayos ka nga!” seryosong saway ko na’ng pinako ko na ang atens’yon ko sa kan’ya. Tinitigan n’ya lang ako sa bayanad na tingin hindi kagaya kanina na