PAKIRAMDAM ko para akong matutunaw sa kinauupuan ko na’ng marinig ang mga salitang ‘yon na sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakarinig ng ganu’n na nagmumula sa isang lalake! Nabato ako sa akong pagkakaupo habang tuluyan na akong napa-tulala at naka-titig sa kan’ya. Walang tigil ang pag-t***k ng puso ko na tila lalabas na sa ribs ko! “Aba anak, wala ka bang sagot d’yan?” pabirong usal ni Tatay na agad akong bumalik katinuan! Matigas akong tumikhim at iniwas-iwas ko ang aking tingin dahil nahihiya ako malamang! Gusto ko sana s'yang sagutin kaso nandito si Tatay. Hindi ako nakapag-ready na 'yan pala ang babanggitin n'ya! Akala ko kung ano lang! “I know her answer already. I know she loves me too.” Singaw na sigaw ang init sa buong mukha ko at pinipigilan kong tumili! Habang si Tatay